Ang sarap balik balikan ang nakaraan...hanggang ngayon, very nostalgic pa din ang feeling ko kapag napag uusapan ito...magmula sa paglalaro ng tumbang preso, taguan, chinese garter, jolens, agawan base, langit-lupa,..naparaming laro nuon. May family computer na nuon kaso lang mga "can afford" lang ang nagkakaroon at nakakapaglaro ng ganung klase ng laruan...nirerenta pa nga yun on a per hour basis...
Ang dami ko din napanuod na mga palabas nuon sa TV...wala pa din tatalo sa Ate Sienna-Kuya Bodjie love story sa Batibot. Ang akala ko nga magkkatuluyan sila e, pero hindi pala. Nuon din pinagtatalunan namin kung paano gumagalaw si Pong Pagong sa kasuotan nya....napansin ko kasi nuon na hindi gumagalaw yung right hand niya..yung left hand lang ang gumagalaw...malamng siguro ung isang kamay niya ay nasa ulo para makapagsalita si Pong...gets nyo?...hehehe...
Sa dekada na yan din nagsulputan ang napakaraming Japanese Sentai Animations...makakalimutan ba natin ang pulis pangkalawakan na si Shaider?...Laser Squadron Maskman, Bioman, Ultraman, Voltron, Laserion, Mekanda Robot, Machineman na ang kapa e tarapal..yung tipong pambalot ng notebook ko nuon. And my partner pa siya nuon..si Buknoy "the fighting ball"...Si Robert Akizuki sa Mask Rider Black...hindi ko natapos yung palabas na yun, bigla na lang silang nawala sa ere. Sa channel 13 pa yun nuon pinapalabas...Tapos c Voltes V & Daimos, nagpalipatlipat ng channel from channel 13, naging channel 7...then channel 2...then balik uli sa 7...tapos yung laging patalastas e yung jingle ng Sunny Orange...
May mga sitcoms din nuon na sumikat gaya ng Knight Rider, CHiPs, Perfect Strangers, McGyver, Iskul Bukol, TVJ, Small Wonder, GMA Supershow, Nickelodeon (yung may double dare & pinwheel)..pero para sa'kin, ang pinaka OK na palabas nuon e Baywatch, at alam nyo na kung bakit...hehehe.
Cheez Ums, Muchees, Chikadees, Pritos Ring, Cheese Corn, Crisp Pop,...ilan lang yan sa mga sitsiryang patok nung mga panahon nuon. meron pa ngang tigpi-pisong sitsiryang my free na laruan..yung pinipindot mo yung bandang dulo tapos tatalon...hehehe...
Hate ko ang lasa ng Sustagen..mapakla kasi sya..hindi tulad ng Milo & Ovalitine...pero mas masarap pa din ang Milo, kasi ang Milo e...Msarap Inumin Lasang Ovaltine...
Masarap naman papakin ang Brown Cow...pwedeng ipalaman sa tinapay yun e...tpos nilalagay pa sa scrambble...(yung pink na shaved ice)...
Dati..idol na idol ko si MC hammer & Vanilla Ice..ang lulupit kasi ng hairstyle nila e...tpos lagi kong naririnig ung song nila sa FM...lalu na yung Color Me Badd & New Kids on the Block. Ang malupit na iskandalo nuon e yung tungkol kay Milli Vanilli..yung nagli-lip sync lang sya twing may concert at hindi daw nya boses yung mga lumabas na records nya..ewan ko lang kung totoo yun...
Haist...ayus talaga ang mga panahon nuon...hehehehe...napakarami pang mga magagandang alaala nuong dekada nubenta...
Ikaw anung naalala mo nuong 90's?

We only have great morals, our society will turned out to be much more attractive. I think there have some reason in it. If all people in our socity can try his or her best to do well, we can live better. Let us work together.

Reply
8/14/2010

Every man hath his weak side.

Reply
9/18/2010

Money is not everything. There's MasterCard.《GARFIELD》

Reply



Leave a Reply.