Blog Archives - Imagineering Internet Shop
 
Sinong makakapagsabing nahuhuli ang mga Pinoy pagdating sa tinatawag nilang "information superhighway"?...Halos lahat ng mga makabagong generations ngayon ay marunong gumamit nito...

Sino bang Pinoy ang hindi nakaka-alam Friendster & Facebook? Alam nyo ba na Filipinos makes the big slice of Friendster users sa mundo. According to the 2008 report ni David Jones, VP for Global Marketing ng Friendster, "Of the 39 million unique visitors recorded in March 2008, about 13.2 million unique users are from the Philippines" ... biro mo yan? Talagang it indicates na ang Pinoy has the biggest population of Friendster users in the world, nalagpasan pa natin ang U.S. where it is originally launched. Pinoy Friendster users are beetween 13 years old to 25 years old. Kaya kasama na sa everyday usapan ang Friendster..."add me na lang ha".

Pero bakit parang nagkaroon ng 360 degrees turn..from a Friendster user into a Facebook user...? 
Sa ngayon, napakaraming Pinoy na din ang gumagamit ng Facebook. Ang sabi nila, mas interactive itong gamitin at mas malinis ang interface, no nonsense flashy elements kaya mas naibigan ng mga over 50's age groups. Kumbaga, talo ang Friendster when it comes to demographics. Hindi naman mapagkakaila na mas innovative ang Facebook kesa sa Friendster. According to Dr. B.J. Fogg, Director ng Persuasive Technology Laboratory sa Stanford University, notes that Facebook is a "persuasive technology", an interactive system designed to change human behaviors. Users are persuaded to create an account, update their profile & status, join an organization or a cause, at the same time, naa-update din ang mga friends mo kung anung ginagawa mo sa profile mo. Makikita mo si "friend A" na nag join ng ganitong organization or nag-upload ng magandang picture. Si "friend B", makikita mong may bago siyang blog and may request pa to join a game (e.g. farmville, barn buddy, etc.). You will be encourage as a Facebook user to join on some activities na ginagawa ng mga friends mo...kumbaga, mahirap ng mahuli sa uso. 

On the other hand, still..napakadami pa din gumagamit ng Friendster with the same age group. Well, sa palagay ko, mas attractive sa mga bagets ang fancy graphics & informal interface ng Friendster. Di naman gaya ng Facebook na parang twice na yata nagpalit ng itsura ng home page. In the Philippines, Friendster started it all when it comes to social networking, parang nagsunuran na lang itong Multiply, Myspace, LinkedIn, Hi5 & of course, Facebook... 

Addictive isn't it?... Social Networking Sites change the way we look at the internet. Hindi na yan maalis sa kultura ng makabagong henerasyon.
 
Nakakatawa silang kasama...biro mo, halos accepted na sa society natin ang mga bading. Magtataka ka lang talaga kasi dumadami sila, pero hindi naman sila nanganganak...davah!?... 
Ang napansin ko lang sa kanila e, napaka-creative nila sa "word-coining"..., na sila-sila lang ang nagkakaintindihan. Ang hirap sakyan talaga sa una, pero sa dami nila, mage-gets mo na din... 
At alam mo din ba na hindi naman lahat ng bading e lalaki?...may mga babae ding bading. Nasa paligid mo lang sila, nagkalat. 

Here are the list of Pinoy Gay Lingo na nakalap ko through the net...by the way, hindi po ako bading, fascinated lamang ako sa kanila. 

Ate Vangie - gamot pampatulog (Ativan Gang)
Dakota Harrison Plaza - malaki birdie
Duty Free - maliit ang nota
Felix Bakat - bakat ang birdie (sa brief or pants)
Eva Kalaw - evak
Givenchy - give, pahingi
Jennilyn (Mercado) - cheap, chaka
Kelvinator, Kelvina - babaeng mataba, sinlaki ng refrigirator
Lucrecia Kasilag - baliw
Thunder Cats - gurang
Nora Daza - magluto
Purita Kalaw Ledesma, Purita Kashiwara, Pureta Malaviga - poor, dukha
Miss Nigeria - negra
X-Men - mga dating lalaki
Tom Jones, Tommy Lee Jones - gutom
Uranus - puwet
mahogany, mashumers, ugmas - mabaho
krung-krung - sira ulo, baliw
havana - mahabang mukha
katuray - baklang mukhang katulong na mataray
red alert - menstruation
garapata - vaklush na punggok na majubis
majubis - mataba / gusgusin
jubelita - vaklita, batang bading
katagalugan - matagal
performance artist - mahilig mag-inarte
shonget, makyonget - ugly
shonga-shonga - tanga-tanga
pranella - praning
nakakalurky - nakaka-shock, nakaka-takot
katol - mukhang katulong
fayatollah kumenis - payat
emena gushung - malanding semenarista
boyband - lalaking sintaba ng baboy
Zsa Zsa Padilla - o siya, sige!
Lilet - bading na bagets
Aglipay - ugly Pinay ( jowang pokpok na chaka ng mayaman na foreigner )
Bayombong, Nueva Viscaya - masturbate
Blusang Itim - mga bakla na gumanda nang maayusan sa parlor
Luz Clarita, Luz Clarita, Luz Valdez - talo, loss ang beauty
balaj, valaj - balahura
bella - boba
antibiotic - antipatika
48 years - sobrang tagal

Sa totoo lang, napakarami pang salita ng mga bading...tanuning mo sila, siguradong mapapraning ka din sa pag comprehende...
May alam ka bang salitang bading?...
i-share mo naman sa madlang people...
 
 Ito'y ilan lamang sa mga Pinoy Trivias na talaga namang nakaka-believe...

Ang Karaoke pala ay imbensyon ng isang Pilipinong nagngangalang Roberto Del Rosario. Ang salitang karaoke ay salitang hapon na ang ibig sabihin ay "singing without accompaniment".

Si Marissa Delgado pala ang first Filipina na nag-pose para sa Playboy Magazine noong 1965.

Limang Milyon (5M) pala ang reward money upang mahuli lamang si rebel-turned-senator Gringo Honasan.

Ang Bandila ng Pilipinas ay kaisa isang bandila na pwedeng i-display o iwagaywag ng baliktaran.

Philippines is considered to be the largest producer of coconuts & the "texting capital" of the world.

Ang PBA o Philippine Basketball Association ang pinakaunang basketball league sa Asia at second oldest professional league.

Nasa Guimaras pala ang pinakamasarap at pinakamatamis na mangga sa mundo ayon sa Guiness World Records.

Ang salitang "boondocks" (which is part of English Language, na ang ibig sabihin ay "remote or unsophisticated locale), ay salitang Tagalog na "bundok". 

After US & UK, ang Pilipinas ang third largest English Speaking country in the world. 

Isang Filipina, Maria Teresa Calderon ang World Champion Speed Reader ayon sa Guiness World Records.

Si Daniel Arca Inosanto - from Mike Robandido - ang nagturo kay Bruce Lee ng Arnis De Mano.

Ang Philippine Eagle ang 2nd largest bird in the planet.

Ang laruang "yoyo" ay isang gawang Pinoy.

Ang symbolic name na "Juan Dela Cruz" was coined by R. McCulloch-Dick, a Scottish-born journalist, na nagtrabaho para sa Manila Times, pagkatapos niyang ma-discover na ito ang very common name sa mga blotters.

Ang Pilipinas ang may pinaka-accessible na underground river in the world.

"What's still most impressive to me about the Philippines is the friendliness of the people, their sense of humor...," wrote Honolulu journalist John Griffin in a 1998 visit to
Manila. 

Naku!..sa galing ng Pinoy  at sa dami ng magagandang bagay dito sa Pilipinas, talaga namang mamamangha ka...Ikaw may alam ka bang trivia tungkol sa ating bansang Pilipinas?
 
 
Ang sarap balik balikan ang nakaraan...hanggang ngayon, very nostalgic pa din ang feeling ko kapag napag uusapan ito...magmula sa paglalaro ng tumbang preso, taguan, chinese garter, jolens, agawan base, langit-lupa,..naparaming laro nuon. May family computer na nuon kaso lang mga "can afford" lang ang nagkakaroon at nakakapaglaro ng ganung klase ng laruan...nirerenta pa nga yun on a per hour basis...
Ang dami ko din napanuod na mga palabas nuon sa TV...wala pa din tatalo sa Ate Sienna-Kuya Bodjie love story sa Batibot. Ang akala ko nga magkkatuluyan sila e, pero hindi pala. Nuon din pinagtatalunan namin kung paano gumagalaw si Pong Pagong sa kasuotan nya....napansin ko kasi nuon na hindi gumagalaw yung right hand niya..yung left hand lang ang gumagalaw...malamng siguro ung isang kamay niya ay nasa ulo para makapagsalita si Pong...gets nyo?...hehehe...
Sa dekada na yan din nagsulputan ang napakaraming Japanese Sentai Animations...makakalimutan ba natin ang pulis pangkalawakan na si Shaider?...Laser Squadron Maskman, Bioman, Ultraman, Voltron, Laserion, Mekanda Robot, Machineman na ang kapa e tarapal..yung tipong pambalot ng notebook ko nuon. And my partner pa siya nuon..si Buknoy "the fighting ball"...Si Robert Akizuki sa Mask Rider Black...hindi ko natapos yung palabas na yun, bigla na lang silang nawala sa ere. Sa channel 13 pa yun nuon pinapalabas...Tapos c Voltes V & Daimos, nagpalipatlipat ng channel from channel 13, naging channel 7...then channel 2...then balik uli sa 7...tapos yung laging patalastas e yung jingle ng Sunny Orange...
May mga sitcoms din nuon na sumikat gaya ng Knight Rider, CHiPs, Perfect Strangers, McGyver, Iskul Bukol, TVJ, Small Wonder, GMA Supershow, Nickelodeon (yung may double dare & pinwheel)..pero para sa'kin, ang pinaka OK na palabas nuon e Baywatch, at alam nyo na kung bakit...hehehe.
Cheez Ums, Muchees, Chikadees, Pritos Ring, Cheese Corn, Crisp Pop,...ilan lang yan sa mga sitsiryang patok nung mga panahon nuon. meron pa ngang tigpi-pisong sitsiryang my free na laruan..yung pinipindot mo yung bandang dulo tapos tatalon...hehehe...
Hate ko ang lasa ng Sustagen..mapakla kasi sya..hindi tulad ng Milo & Ovalitine...pero mas masarap pa din ang Milo, kasi ang Milo e...Msarap Inumin Lasang Ovaltine...
Masarap naman papakin ang Brown Cow...pwedeng ipalaman sa tinapay yun e...tpos nilalagay pa sa scrambble...(yung pink na shaved ice)...
Dati..idol na idol ko si MC hammer & Vanilla Ice..ang lulupit kasi ng hairstyle nila e...tpos lagi kong naririnig ung song nila sa FM...lalu na yung Color Me Badd & New Kids on the Block. Ang malupit na iskandalo nuon e yung tungkol kay Milli Vanilli..yung nagli-lip sync lang sya twing may concert at hindi daw nya boses yung mga lumabas na records nya..ewan ko lang kung totoo yun...
Haist...ayus talaga ang mga panahon nuon...hehehehe...napakarami pang mga magagandang alaala nuong dekada nubenta...
Ikaw anung naalala mo nuong 90's?
 
Bilmoko?...Hay naku! ang bilis mawala ng pinaghirapang pera..kumbaga e dumadaan lang sa palad mo ang sahod mo tuwing kinsenas at katapusan...kunsabagay ka namang natutulungan. Ako?...kapag sumasahod ako...hindi ko maiwasang maiisip kung ano ang una kong gagawin sa pera...bibili ba ko ng bagong bag?...ng shoes?...ng high-tech na gadget?...itatabi ko na lang ba?...magco-contribute para sa gastusin sa bahay?...pang-gimik?...pang-date...anu ba yan! puro gastos anu?...well, kaya siguro naimbento ang pera para gastusin lang...

E ikaw?...anung gagawin mo sa pera?
 
Wow..ang bilis...valentines na kagad. Parang may hangover pa ako ng New Year. Panahon nana man ng mga magsising-irog. Kaliwa't kanan ang mga deyting, bising-bisi nanaman ang mga lalaki sa paghahanap ng maireregalo sa kanilang mga mahal sa buhay, punuan nanaman ang mga motels sa mga panahong ito...patok sila ngayon e...

Ikaw?..paano mo ise-celebrate ang valentines day?...